GMA Logo mika salamanca and brent manalo
Courtesy: mikslmnc and brentymanalo on IG
What's Hot

Mika Salamanca, kinabahan sa napiling final duo partner na si Brent Manalo

By Nherz Almo
Published June 7, 2025 11:01 PM PHT
Updated June 8, 2025 10:11 AM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

mika salamanca and brent manalo


"May konting acting, pabitin... Kinabahan si Mika ng very, very light."

"Kinabahan ako!"

Ito ang nasabi ni Mika Salamanca sa kanyang ka-final duo na si Brent Manalo.

Sa June 7 episode Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, naunang pinapili ng makaka-partner si Mika. Bago sabihin ang pangalan ng napili niyang si Brent, inilarawan muna niya ito.

Aniya, "Pipiliin ko po itong taong ito dahil isa po siyang malaking parte sa growth at journey ko dito sa loob ng bahay. At isa po siya sa napakabuti, napakasipag, at selfless na taong nakilala ko. I think this person is I'm certain here inside the house. Sa tuwing naririnig ko po yung salitang final duo, siya po yung unang pumapasok sa isip ko."

Sandali pinakaba ni Brent ang pumili sa kanya nang sabihin niya, "I'm sorry Mika... tinatanggap ko."

Pati ang 'PBB' hosts na sina Gabbi Garcia at Bianca Gonzalez ay naapektuhan sa pa-suspense na sagot ni Brent.

Ani Bianca, "May konting acting, pabitin... Kinabahan si Mika ng very, very light, 'no?"

Samantala, tinanong ng PBB hosts si Brent kung anong pakiramdam niya sa pagkakapili sa kanya ni Mika.

Ngumiti ito at sinabing, “Siyempre, sobrang saya po kasi... I think, second week pa lang namin dito sa PBB house, alam na namin sa aming dalawa na if may chance or opportunity na makapili ng final duo, na isa't isa po talaga ang pipiliin namin. Now na dumating ang point na yun, siyempre, sobrang saya.”

Bukod kina Mika at Brent, ipinakilala rin sina AZ Martinez at River Joseph; at Charlie Flemming at Esnyr na final duos sa PBB Celebrity Collab Edition.

Sinundan ng tatlong duos na ito ang nauna tatlo pang duos na sina Ralph de Leon at Will Ashley; Shuvee Etrata at Klarisse de Guzman; at Dustin Yu at Bianca de Vera

Ayon kay Big Brother, sa anim na final duos pipiliin ang Big 4 duos na magiging bahagi ng PBB Big Night.

Sinu-sino kaya sa animna duos ang aabot hanggang Big Night ng PBB Celebrity Collab Edition?

Patuloy na subaybayan ang inyong paboritong housemates.

Samantala, mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, mula Lunes hanggang Biyernes, 10:05 p.m. at Sabado, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan sa loob ng Big Brother house araw-araw sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.

Samantala, kilalanin ang Kapuso at Kapamilya housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition: