GMA Logo Mika Salamanca
What's Hot

Mika Salamanca launches children's book 'Lipad'

By Maine Aquino
Published September 2, 2025 11:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

6 arestado sa pagnanakaw sa tulong ng GPS
Pagtulong ng GMAKF sa mga nilindol sa Caraga, nagpatuloy sa kabila ng panibagong pagyanig | 24 Oras
P22,000 cash, laptop lost to burglar in Iloilo City

Article Inside Page


Showbiz News

Mika Salamanca


Emosyonal na ibinahagi ni Mika Salamanca ang children's book na 'Lipad.'

Proud children's book author na ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition big winner na si Mika Salamanca.

Kagabi, September 1, ipinakita sa solo media conference ni Mika ang kanyang children's book na "Lipad" sa Citadines Hotel sa Quezon City.

Ang "Lipad" ay tungkol sa isang batang diwata na si Mahika. Pakiramdam ni Mahika ay hindi siya sapat o mahalaga dahil sa maliit at naiiba niyang pakpak. Ayon kay Mika, ang kuwento ni Mahika ay mula sa personal niyang mga pinagdaanan.

"Itong librong ito about sa akin siya, sa batang ako siya. Sa struggles niya, isa sa mga struggles niya before noong bata."

Dugtong pa ni Mika, "Si Mahika ay ako po."

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Inilahad din ni Mika sa media conference na hindi dapat ibebenta ang librong "Lipad." Kuwento ni Mika, "Hindi po namin siya talaga balak ibenta talaga. It's something na kapag pumunta po ako sa charity works namin, libre ko po siyang ibibigay sa mga bata. and then 'yung management ko, 'yung mga managers ko po nag-suggest na bakit hindi natin ibenta para mas wider 'yung audience na makabasa."

Ayon kay Mika, may kondisyon siya sa pagbenta ng kanyang libro.

"Noong una po ayoko pumayag kasi 'yung vision ko dito, libre. Gusto ko siyang ibigay sa mga bata ng libre. So ako, nagkaroon ako ng kondisyon sa kanila. Sabi ko pero ang kondisyon ko lahat ng makukuha natin sa librong ito charity pa rin."

Bukod sa book reveal ay binasa rin ni Mika sa entertainment press at mga bisita ang kanyang libro.

Samantala, ang official debut ng "Lipad" ay mangyayari sa Manila International Book Fair 2025 kung saan magkakaroon rin si Mika ng reading session at book signing. Ang Manila International Book Fair 2025 ay gaganapin sa SMX Convention Center sa September 10 to 14.

SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA LARAWAN NI MIKA SALAMANCA: