GMA Logo Mika Salamanca
Screenshot from Mika Salamanca YouTube channel
Celebrity Life

Mika Salamanca, malapit nang matapos ang ipinapagawang bahay

By Aimee Anoc
Published July 17, 2026 6:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tropical depression outside PAR weakens into LPA
Councilor shot dead as BARMM election period begins
'Lilet Matias: Attorney-At-Law,' mapapanood na sa GTV simula July 20

Article Inside Page


Showbiz News

Mika Salamanca


Nagbigay ng update si Mika Salamanca sa ipinapagawang sariling bahay. Dumating din sa kanyang pa-house tour si Will Ashley.

Malapit nang matapos ang ipinapagawang sariling bahay ng Sparkle artist na si Mika Salamanca.

Sa kanyang latest vlog, ipinakita ni Mika ang progress ng kanyang bahay na, aniya, ginagawa na bago pa siya pumasok sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, na nag-premiere noong March 2025.

"And now, malapit na tayo sa pagtatapos niya. Labas na lang. 'Yung interior niya tapos na. Kinukumpleto ko na lang 'yung mga gamit," sabi niya.

Ipinakita rin ni Mika ang mga halamang ilalagay niya para sa landscaping, bago nagbigay ng tour sa loob ng kanyang bahay.

Ayon kay Mika, isa sa nagustuhan niya sa lugar na kinatatayuan ng kanyang bahay ay tahimik. Relaxing din ang view sa labas ng kanyang bahay.

"'Yun 'yung isa sa mga nagustuhan ko sa lugar na 'to, sobrang tahimik. Sabi nga ng mga kaibigan ko, kapag tinatanong nila ako, 'Bakit du'n ka nagpagawa? At saka bakit para ka nang magre-retire?' Hindi ba dapat iyon ang goal? 'Yun naman kasi 'yung goal ko guys, tahimik na buhay talaga."

May tatlong floor ang bahay ni Mika. Aniya, ang first floor ay para sa mga kasama sa bahay, driver, kitchen, at iba pa. Sa second floor naman ang kanyang living room, dining area, at display kitchen.

Habang nagtu-tour sa kanyang bahay ay dumating ang kapwa niya Sparkle artist na si Will Ashley na, ani Mika, kasabay niya sa pagpunta sa concert kasama ang kapwa ex-PBB housemate na si Xyriel Manabat.

Bago matapos ang kanyang vlog, ipinarating ni Mika ang pasasalamat sa Diyos at sa mga nanonood sa kanya.

"Kapag tinitingnan ko 'to nagpapasalamat talaga ako sa Panginoon at saka sa inyong mga nanonood. Kayo 'to.

"Ang sarap lang makita na nagbubunga 'yung mga pinaghihirapan mo. Kaya habang ngayon tinitingnan ko 'to, nagpa-flashback sa 'kin lahat."

Related content: Meet Kapuso's 'PBB Celebrity Collab Edition' big winner Mika Salamanca