
Binalikan ni Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition Kapuso big winner Mika Salamanca ang kanyang naging "wonderful" journey sa Bahay ni Kuya, na aniya, magiging ganoon din para sa bagong batch ng housemates ngayon.
Nagbukas na noong Sabado, October 25, ang Bahay Ni Kuya at ipinakilala na ang mga bagong housemates--ang mga Kabataang Pinoy na nagmula sa Sparkle at Star Magic, para sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Sa kanyang Instagram post, binalikan ni Mika ang ilang moments sa Bahay ni Kuya kasama ang dating housemates, at nagbigay ng mensahe para sa housemates ng bagong season.
"I have a million things to say, but one thing is certain: it was a wonderful journey for us, and it will be for the upcoming new housemates," sulat ni Mika.
"I'll forever reminisce about my days inside the PBB house. It truly was an experience you can't get ANYWHEREEEEE else!"
Ipinagdasal din ni Mika ang bagong batch ng housemates ni Kuya at ang bagong season ng PBB, na aniya, paniguradong magiging masaya.
"Praying for the next batch of housemates ni kuya and this season! It's going to be fun foh sooohhh (for sure)!
"ITO PANGARAP NYO DIBA??? KUYA IS GIVING YOU A CHANCE!!! peace out, your dark horse," dagdag niya.
Ang duo nina Mika Salamanca at Brent Manalo ang itinanghal na "Big Winners" ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition noong July 2025.
Abangan ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 nang live sa GMA, Kapuso Stream, ABS-CBN Entertainment YouTube channel weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:25 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m.
SAMANTALA, BALIKAN ANG PBB JOURNEY NG BIG WINNER DUO NA SINA MIKA SALAMANCA AT BRENT MANALO SA GALLERY NA ITO: