
Agad na umani ng daan-daang libong reaksyon ang pasililp ni Mika Salamanca sa kanyang karakter na si Anaca sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Mika ang ilang selfies suot ang costume niya bilang Anaca, ang loyal owl ni Mitena (Rhian Ramos), habang nasa dressing room.
"Nakabalik din sa Encantadia," caption ni Mika sa kanyang post.
Sa comments section, maraming netizens ang pumuri sa ganda ni Mika at nagparating ng kanilang excitement sa kanyang karakter sa Sang'gre.
Abangan si Mika Salamanca bilang Anaca sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
SAMANTALA, MAS KILALANIN SI MIKA SALAMANCA SA GALLERY NA ITO: