
Big winner na, may big heart pa si Mika Salamanca.
Kamakailan lang ay nagbigay ng donasyon ang isa sa big winners ng first-ever Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Ito ay para sa rescued animals ng Animal Kingdom Foundation sa Capas, Tarlac.
PHOTO SOURCE: mikslmnc
Ayon sa Sparkle, nagbigay ng generous donation si Mika sa "Barkyanihan Project." Ito ay ang disaster relief effort para sa urgent veterinary care.
Nagpasalamat ang foundation sa Sparkle talent na si Mika. Ayon sa kanilang post, "From the spotlight to the frontlines of compassion, Mika Salamanca lends her heart to AKF's Barkyanihan Project. Thank you so much Mika!!!"
Bukod sa pagtulong ni Mika sa rescued animals, nagsimula rin ng donation drive si Mika para sa mga apektado ng Crising at habagat. Samantala, magkasama naman sila ng isa pang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate at Sparkle artist na si Will Ashley na nag-volunteer sa soup kitchens sa Metro Manila.
SAMANTALA, NARITO ANG MGA CELEBRITIES NA MAY CHARITIES AT ADVOCACIES: