GMA Logo Mika Salamanca
Photo by: @itsShowtimeNa (X)
What's on TV

Mika Salamanca owns the stage in 'Kasalanan' performance

By Kristine Kang
Published February 5, 2026 2:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mass promotion pinuna; grade transmutation, tatanggalin ng DepEd? | GMA Integrated Newsfeed
3 siblings in Silay City found bloodied; 1 dead
Japan cancels cherry blossom festival due to overtourism

Article Inside Page


Showbiz News

Mika Salamanca


Marami ang nabighani sa fearless performance ni Mika Salamanca sa kanyang kanta na 'Kasalanan.'

Tila napuno ng kilig at good vibes ang FUNanghalian kasama ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition Kapuso Big Winner Mika Salamanca!

Nitong Huwebes (February 5), hinarana ni Mika ang lahat sa kanyang bagong single na “Kasalanan.”

Very stunning ang Sparkle star sa kanyang scarlet red ensemble na swak sa kanyang captivating pop performance.

Sa kabila ng kanyang fearless song number, dama naman ang energy ni Mika sa pagbati niya sa madlang people.

Game rin na nakipagkuwentuhan ang Kapuso Big Winner sa mga It's Showtime host.

"Pagdating sa pag-ibig, meron ka bang naalala na kasalanan na ginawa mo pero pinatawad mo rin sa sarili mo?" tanong ni Amy Perez.

"Sobra akong nagmahal nakalimutan kong tirhan 'yung sarili ko. 'Yun ang kasalanan ko sa sarili ko na hindi ko na gagawin. Dapat magtira ka lagi para sa sarili mo," diretsong sagot ni Mika.

Ayon sa kanya, ang single ay hango sa mga pinagdaanan niya sa buhay at sa pagmamahal niya sa mga patuloy na sumusuporta sa kanya.

"Dahil kasalanan, 'yung past mistakes mo hindi ka dine-define," dagdag pa niya.

Labis din ang pasasalamat ni Mika sa noontime program na naging venue ng kanyang unang performance ng upcoming single.

"Grabe nanginginig ako.Hanggang ngayon nanginginig pa rin po ako. Pero buti na lang dito ko sinayaw kasi I feel at home," aniya.

Bukod sa It's Showtime, grateful din ang Kapuso artist sa kanyang fans na present sa programa. Aniya nga, “Sila rin po ang lakas ko.”

Abangan ang bagong single na “Kasalanan” ngayong February 6 sa digital streaming platforms. Mapapanood din ang music video nito sa February 8.

Kabilang din si Mika sa cast ng mystery drama series na The Secrets of Hotel 88, kasama ang iba pang PBB Celebrity Collab Edition alumni.

Samantala, subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Tingnan dito ang mga "look so beautiful in white" photos ni Mika Salamanca: