
Talaga ngang puno ng sorpresa at pagmamahal ang outside world para sa Kapuso actress at Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition big winner na si Mika Salamanca.
Kaya naman ang netizens, hindi rin pinalagpas ang dating video ni Mika na kinakanta ang 2011 track ni Sarah Geronimo na “Sino Nga Ba Siya.”
@cheyaa63 Mikmik✨✨#mikasalamanca #BREKA #brentymanalo#sing#trending ♬ original sound - kiz_o
Hindi naman nagpahuli si Mika at tuluyan nang naki-join sa saya nang i-recreate ang nasabing viral video.
“'Wag nyo na akong i-tag, salamat. Chereng!” biro nito sa mga netizens.
@mikasalamanca 'Wag nyo na akong i-tag, salamat. chereng!
♬ original sound - Mahika
Game ding nakisaya ang kapwa housemates nitong sina Esnyr at Bianca, na ginawa ang kanilang entry habang nasa roadtrip.
Bigay na bigay pa sa actingan ang dalawa at talagang dinamdam nina Esnyr at Bianca ang kanta.
Biro ni Esnyr sa kaniyang caption, “DC: [Mika Salamanca].”
@esnyrrr DC: @Mahika ♬ original sound - Esnyr
RELATED GALLERY: PBB COLLAB MEME-WORTHY MOMENTS
Nito lamang July 8, hinirang si Mika Salamanca bilang big winner ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition kasama ang duomate nitong si Brent Manalo.
Sinundan naman sina Mika at Brent, o mas kilala ngayon bilang BreKa, nina Ralph de Leon at Will Ashley (RaWi), Charlie Fleming at Esnyr (Chares), at AZ at River (AZVer).
SAMANTALA, KILALANIN PA ANG PBB COLLAB BIG WINNER NA SI MIKA SALAMANCA RITO