GMA Logo Mika Salamanca on the craziest thing she did for love
PHOTO COURTESY: @mikslmnc (Instagram)
What's Hot

Mika Salamanca reveals craziest thing she did for love

By Dianne Mariano
Published August 5, 2026 6:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bagyong ‘Maymay,’ posibleng mag-landfall sa Ilocos o La Union | GMA News Feed
More landslides, rockfalls logged in parts of Cordillera
Björn Again is holding shows in the Philippines this weekend

Article Inside Page


Showbiz News

Mika Salamanca on the craziest thing she did for love


Ano kaya ang craziest thing na nagawa ng Kapuso star na si Mika Salamanca para sa pag-ibig?

Mapapanood ang Kapuso star na si Mika Salamanca sa upcoming comedy film na 'Saving Cherry,' na pagbibidahan ng award-winning Sparkle actress na si Barbie Forteza.

Gagampanan ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition Kapuso Big Winner ang role bilang Jewel, ang kaibigan ni Cherry (Barbie Forteza) na laging ready magpasabog ng eksena.

A post shared by Mika Salamanca (@mikslmnc)

Sa naganap na media conference ng nasabing pelikula kamakailan, kabilang sa mga tinanong sa cast ay kung deserve ba ng mga cheater na mabigyan ng second chance.

“No! No talaga. Kasi kapag kasi na-cheat-an ka na, may lamat na e. Totoo 'yung sinabi ni Kuya Khalil, hindi mo na mababalik 'yung tiwala and magsa-suffer lang 'yung relationship n'yo. So it's a big no,” pagbabahagi ni Mika.

Bukod dito, tinanong din si Mika at ang kanyang co-stars tungkol sa craziest thing na nagawa nila para sa pag-ibig.

Aniya, “When I love kasi, I love hard. Siguro isa do'n sa mga crazy na ginawa ko for love is iniwan ko 'yung... sinurrender ko 'yung green card ko.

“And then, may isa pa. I stayed din kahit chineatan ako ng dalawang beses sa bestfriend niya atsaka sa ex niya!”

Bukod sa 'Saving Cherry,' mapapanood din si Mika sa upcoming Kapuso serye na 'Delivery Boi.'


RELATED CONTENT: Meet Kapuso 'PBB Celebrity Collab Edition' Big Winner Mika Salamanca