GMA Logo Mika Salamanca and Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
Courtesy: Gerlyn Mariano, GMANetwork.com
What's Hot

Mika Salamanca says being a Big Winner is a big responsibility

By EJ Chua
Published July 24, 2025 2:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Mika Salamanca and Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition


Mika Salamanca sa pagiging Big Winner sa PBB Celebrity Collab Edition: “Gusto ko pong mapatunayan hindi lang sa ibang tao kundi pati sa sarili ko na deserve ko po 'yung title na Big Winner.”

Ibinahagi ni Mika Salamanca sa members ng press sa Sparkle x PBB Grand Mediacon kung paano niya pinahahalagahan ang title bilang isa sa Big Winners ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Related gallery: Kapuso housemates sa Sparkle x PBB Grand Mediacon

Seryosong sinabi ni Mika na para sa kaniya ay mabigat at malaking responsibilidad ang pagiging Big Winner.

Pahayag niya, “Mabigat po talaga siya… alam naman po nating lahat na kami po ni Brent [Manalo] nung time na… kaya po naming ibigay sa ShuKla. Nung nalaman po namin na kami ang Big Winner actually until now, hindi pa po nagsi-sink in ng buo sa amin.”

Inilahad din ng Sparkle star na ginagawa niya ang kaniyang makakaya upang maging deserving bilang Big Winner.

Sabi ni Mika, “Araw-araw po lagi akong nag-iisip na paano ako magiging deserving na maging Big Winner. That's why hangga't kaya ko po tumutulong po ako, nagri-reach po ako sa mga taong may kailangan kasi po gusto ko pong mapatunayan hindi lang sa ibang tao kundi pati sa sarili ko na deserve ko po 'yung title na Big Winner.”

“Napakalaking responsibility po niya para sa akin,” dagdag niya.

Sina Mika Salamanca at Brent Manalo ang itinanghal na Big Winner Duo ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Nakilala sila sa collaboration project ng GMA at ABS-CBN bilang Controversial Ca-babe-len ng Pampanga at Gentle-linong Heartthrob ng Tarlac.

SAMANTALA, TINGNAN ANG BIG HOMECOMONG SURPRISE PARA KINA MIKA SALAMANCA, WILL ASHLEY, CHARLIE FLEMING, AT AZ MARTINEZ