
From iconic house ni Big Brother to her dream house, tila sunod-sunod nang natutupad ang mga pangarap ng Sparkle star na si Mika Salamanca.
Related gallery: Meet PBB Celebrity Collab Edition Kapuso Big Winner Mika Salamanca
Sa latest vlog ni Mika, may pa-house tour siya sa ipinatayo niyang bahay, na itinuturing niyang dream house.
Mapapanood sa video ang pasilip niya sa kitchen area nito, pati na rin ang mga kuwarto sa loob ng bahay.
Ipinakita rin niya ang view sa labas ng kanyang mga bintana na may relaxing vibes.
Ayon sa vlogger-actress, “Labas na lang, 'yung interior niya tapos na. Kinukumpleto ko na lang 'yung mga gamit.”
Sa kalagitnaan ng vlog, spotted si Will Ashley, ang isa sa mga nakasama ni Mika noon sa Bahay Ni Kuya.
Panoorin dito ang showbiz report ni Nelson Canlas tungkol sa dream house ni Mika at pati na rin ang full version ng kanyang vlog:
Isa sa projects ni Mika Salamanca ngayong 2026 ay ang pelikulang Saving Cherry, kung saan kasama niya at bida rito ang Kapuso actress na si Barbie Forteza.
Kasama nina Barbie at Mika sa pelikula sina Mikee Quintos, AC Bonifacio, Sassa Gurl, Khalil Ramos, at iba pang aktor.
Si Mika ang itinanghal na Kapuso Big Winner sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Napanood din siya bilang isa sa lead stars ng recently concluded collab series ng GMA at ABS-CBN na The Secrets of Hotel 88.