
Patuloy na pinag-uusapan online ang old videos ni Mika Salamanca, kung saan bida ang kanIyang solo song covers na nakuhanan noong siya ay bata pa.
Sa katatapos lang na Sparkle x PBB Grand Mediacon, nasorpresa ang lahat sa announcement ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition Big Winner na si Mika tungkol sa kaniyang upcoming album.
Related gallery: Mika Salamanca reflects on PBB journey
Kasunod ng pagpapasalamat sa GMA, ABS-CBN, Pinoy Big Brother, at iba pang nagtitiwala sa kaniya, inilahad niya ang tungkol sa pagkakaroon niya ng album.
Pahayag ni Mika, “Magkakaroon na po ako ng album, finally. Ito na po 'yung pangarap ko. Makakaasa po kayong pagbubutihan ko rin po…”
“Salamat po sa lahat and Thank You, Lord. Sa lahat ng nakasama kong housemates, sa lahat ng sumusuporta sa amin, mahal na mahal po namin kayo. Thank you, Brent [Manalo]. Thank you, everyone,” pahabol pa niya.
Sa isang Instagram Reel, may pahapyaw ang Star Music PH sa album ni Mika na kasalukuyan nilang binubuo.
Si Mika ang itinanghal na Big Winner ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, kasama ang kanyang final duo na si Brent Manalo.
SAMANTALA, TINGNAN ANG HOMECOMING SURPRISE NG SPARKLE PARA KINA MIKA SALAMANCA, WILL ASHLEY, CHARLIE FLEMING, AT AZ MARTINEZ