
Napa-"huh" na lang ang Big Winner ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na si Mika Salamanca nang makita niya ang electric bill sa tinutuluyang condominium.
Sa kalagitnaan ng kanyang vlog kung saan ipinasilip ng fast-rising Sparkle star ang pinapatayo niyang bahay, bigla nitong ipinakita ang current bill niya sa Meralco.
Pagkakita ni Mika sa babayaran niya ay napasabi na lang ito ng “Teka lang! Aray ko naman. Nagmahal 'yung kuryente ko lalo! 39,000! Grabe naman yan!”
Ayon kay Mika, nagtataka siya na ganito ang inabot ng bill niya lalo na at palagi naman siyang wala sa bahay dahil sa trabaho.
Hindi rin daw madalas gumamit ng airconditioning unit ang kanyang mga kasama.
“Take note guys, lagi ako nasa trabaho. Umuuwi ako gabi na, minsan madaling araw na. Ilan 'yung kuwarto sa condo, tatlo. Pero kasi, hindi naman nag-aaircon lagi 'yung mga tao dun sa bahay. Hindi masyado nag-aaircon. Tapos isa lang ang TV ko, isang electric fan. Yung microwave minsan lang gamitin kasi nagluluto.”
“Bakit ganito kamahal? Ang sakit sa puso. Ganito pa talaga? Ganito ba sa mga condo, hindi ko kasi alam,” pagtataka ng Kapuso star.
Source: Mika Salamanca (YT)
Kaya ngayon na malapit nang matapos ang kanyang bagong bahay, sinabi na lang niya, “Sabi ng mama ko sa akin, makikita ko talaga 'yung difference 'pag nasa bahay ka na. Kaya super tuwa ko talaga na magkakabahay na ako. Panginoon, Lord thank you so much!”
RELATED CONTENT: Kahit mga artista, umaaray na sa kanilang electric bill