GMA Logo Mika Salamanca
Photo source: FTWBA
What's on TV

Mika Salamanca, umaming nagkaroon ng crush sa isa sa 'PBB' boys

By Karen Juliane Crucillo
Published September 24, 2025 11:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Leviste: Cabral files just the tip of the iceberg
Pila ka mga dalan sa Jaro, pasiraduhan bwas para sa Jaro Fiesta opening parade | One Western Visayas
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Mika Salamanca


Mika Salamanca sa kaniyang crush sa 'PBB': “Alam niya na din naman kung sino siya.”

Hindi nakaligtas si Mika Salamanca sa usapang love life sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Lunes, September 22.

Nabanggit ni Mika na kasama sa kaniyang priority maliban sa kaniyang career ang mahalin ang kaniyang sarili. Ngunit, itinanong ni Tito Boy kung naisama ba ng PBB big winner sa kaniyang vision board para ngayong taon ang magkaroon ng love life.

“Wala 'yan sa vision board ko ngayong 2025, pero baka ihabol ni Lord,” sagot nito.

Samantala, si Tito Boy ay hindi tumigil na may mabanggit na pangalan si Mika patungkol sa lagay ng kaniyang puso, kaya naman itinanong nito kung may napusuan ba siya sa mga boys sa PBB.

“Alam mo, Tito Boy, kailangan ko bang sagutin 'yung tanong na 'yan, Tito Boy. Syempre, Tito Boy, alam na ng mga tao 'yan. Alam niya na din naman kung sino siya,” sabi nito.

Dagdag pa niya, “Hindi ko na para sabihin pa kasi baka lumaki ang ulo. Alam ng taong bayan 'yan, alam din ni Kuya 'yan. Alam niya din 'yan.”

Pagkatapos, hindi na nagpaligoy-ligoy si Tito Boy na kumustahin sila ni Brent Manalo na kaniyang ka-duo sa PBB.

“Okay naman po, Tito Boy. Pareho po kaming masaya at pareho kaming busy. Awa ng Diyos, palagi po kaming magkasama dahil lagi po kaming nagtatrabaho na magkasama,” kuwento ng aktres.

Sa nabuo nilang friendship sa loob at labas ng Bahay ni Kuya, tanong ng fans kung may chance ba na maging sila ng kaniyang ka-duo. Kaya naman sinagot na rin ito ni Mika sa pamamagitan ng pag-alala sa nakaraang guesting nila ni Brent sa naturang programa.

“Last time nandito na, siguro gawin nating ganyan,” sabi ni Mika habang ipinapakita nila kung gaano kalapit ang posibilidad na maging sila sa totoong buhay gamit ang mga papalapit na unan sa isa't isa.

Dagdag ni Mika, “Sagutin naman 'yan kapag magkasama kami, Tito Boy.”

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Sina Mika at Brent o kilalang BreKa ang nagwagi bilang big winner ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Kilala rin ang dalawa bilang MikBrent na isa sa mga nabuong fanship sa loob ng Bahay ni Kuya.

Samantala, tingnan ang cutest photos nina Mika Salamanca at Brent Manalo sa gallery na ito: