GMA Logo Mika Salamanca Mahika album launch
Photos by: sparklegmaartistcenter IG, migzhaleco IG
What's Hot

Mika Salamanca's debut album launch draws massive fan support

By EJ Chua
Published June 1, 2026 1:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Carousel Creamery in San Juan City to close store on June 30
Climber falls from rock on Mt. Apo
Lingling Kwong, Orm Kornnaphat's new series, 'In Love Forever,' comes out this June

Article Inside Page


Showbiz News

Mika Salamanca Mahika album launch


Nasa digital music platforms na ang mga kanta ng Sparkle star at PBB Celebrity Collab Edition Big Winner na si Mika Salamanca.

Nakatanggap ng warm support si Mika Salamanca mula sa kanyang fans sa isang big event.

Dinagsa ng supporters ni Mika ang kanyang debut album launch na tinawag na Mahika na ginanap sa SM North EDSA Skydome nitong Sabado, May 30, 2026.

Sa showbiz report ng Unang Hirit, ipinasilip ang highlights tungkol sa event at makikita rito na talaga namang dinayo ito ng kanyang fans.

Ipinakita rito ang pasabog na performances ni Mika na talaga namang inabangan ng marami.

Ramdam na ramdam ang suporta ng fans habang kinakanta niya onstage ang Bilog ang Mundo na isa sa kanyang six-track album.

Bukod sa mga tagahanga niya, spotted din sa album launch ang mga nakasama niya noon sa Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Si Mika Salamanca ang itinanghal na Kapuso Big Winner sa collab ng GMA at ABS-CBN na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

RELATED CONTENT: Meet Kapuso's 'PBB Celebrity Collab Edition' big winner Mika Salamanca