GMA Logo mika salamanca
What's Hot

Mika Salamanca's mother reveals their last conversation before entering PBB

By Karen Juliane Crucillo
Published April 7, 2025 4:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gaza no longer in famine after aid access improves, hunger monitor says
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

mika salamanca


Mika Salamanca's mom expresses support to her daughter: "You are good, kind, and strong, and you don't have to be afraid of anything."

Noong nakaraang linggo, naging usap-usapan sa social media ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate na si Mika Salamanca. Siya kasi ang nakakuha ng pinakamababang score mula sa naging botohan sa hindi umano nagpapakatotoo sa loob ng Bahay ni Kuya.

Pagkatapos ng nakakalungkot na pangyayari, nag-post ang nanay ni Mika na si Camilla Margarita sa Facebook para ipahatid ang kaniyang suporta sa anak.

"Before entering Pinoy Big Brother, Mika was scared and unsure. But despite her fears, she's ready to face them and take this big step," pag-amin nito.

Pinaalalahanan niya si Mika na palagi nitong tatandaan na siya ay kahanga-hanga.

Dagdag nito, "You are good, kind, and strong, and you don't have to be afraid of anything. Believe in yourself, stay true to who you are, and know that you've got this. No matter what happens, you will shine."

Ibinahagi din nito ang kanilang naging huling usapan ni Mika habang ito ay hindi pa pumapasok sa Bahay ni Kuya.

Narito ang kanilang emosyonal na usapan:

Samantala nitong weekend, ligtas sa pangalawang nominasyon para ma-evict sa PBB Celebrity Collab Edition ang magka-duo na sina Mika at Bianca De Vera.

Nagwagi ang dalawa sa task bago ang second nomination at sila ay nakakuha ng immunity.

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.

RELATED GALLERY: Meet 'PBB Celebrity Collab' housemate Mika Salamanca