
Dahil sa sama ng panahon, pinagbawalan muna na mag-swimming sa beach ang celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young. Pero naisipan ni Mikael na sa swimming pool na lang magtampisaw at i-enjoy pa rin ang buhos ng ulan.
Kwento pa ng aktor, nag-aalangan pa raw si Megan na maligo sa ulan pero napilit daw niya ito at halatang nag-enjoy din sa kanilang under the rain moment.
Post ng aktor sa kaniyang Instagram account, “Boneezy didn't feel like swimming because it was raining so hard. But then, I told her that I found it quite magical being at the beach during rainy season.”
Dagdag pa niya, unique experience raw ang mag-swimming under the rain “Something about the ocean, cloudy skies and rain that makes it a unique experience.”
“Ang ending-- yan ang itsura ni Bonez. Natuwa ba siya o hindi?? #BawalSaBeachMismoSabiNiLifeGuard,” tanong ni Mikael.
Noong January 25, 2020 ikinasal sina Mikael at Megan sa isang simbahan sa Subic Bay at nito lamang simula ng 2021, napagpasiyahan ng mag-asawa na sa Subic, Zambales na manirahan.
Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang masayang island getaway nina Mikael at Megan sa El Nido, Palawan.