
Magbabalik-telebisyon na si Mikael Daez bilang resident bestfriend ng lahat sa bagong comedy infotainment show na handog ng GMA Network, ang The Best Ka!
Dala ang kaniyang signature kuwela at kulit, tiyak na matututo at maaaliw kayo sa kaniyang mga baon na kakaibang kuwento mula sa Guinness World Records.
Samahan siya sa kaniyang pagtuklas ng iba't ibang records na itinuturing na “Best of the Best” hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong mundo.
Gawin nang bagong habit ang manood, matuto at mamangha kasama si Mikael Daez sa The Best Ka! tuwing Linggo, 3:50 p.m. dito lamang sa GMA.
Mga best, huwag magpapahuli sa balitang The Best Ka! I-follow niyo na kami rito:
Facebook: https://www.facebook.com/TheBestKaGMA
Instagram: https://twitter.com/thebestkaGMA
Twitter: https://www.instagram.com/thebestkaGMA