GMA Logo Mikael Daez, Buboy Villar in Unang Hirit
What's on TV

Mikael Daez, Buboy Villar, nahirapan sa ilang challenges ng 'Running Man Ph' season 2?

By Kristian Eric Javier
Published May 6, 2024 5:51 PM PHT
Updated May 7, 2024 4:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Mikael Daez, Buboy Villar in Unang Hirit


Anu-ano nga ba ang mga dapat abangan sa 'Running Man Ph' season 2?

Kabang-abang ang nalalapit na premiere ng reality competition show na Running Man Ph Season 2. Ayon sa dalawa sa runners ng show na sina Mikael Daez at Buboy Villar, hindi dapat palagpasin ang kapanapanabik na mga pangyayari sa show.

Sa morning show na Unang Hirit, ikinuwento rin nina Mikael at Buboy ang tungkol sa ilan nilang mga guest runners, kabilang na ang Morning Sunshine na si Shaira Diaz, at ilan sa mga pinaka-challenging tasks nila.

Ani Mikael, “I guess what part of Running Man Philippines Season 2 was the hardest, siguro si Eruption na lang 'no? He was a guest also, grabe, nahirapan ako sa biceps ni Eruption e.”

Hindi na nagbigay pa ng detalye ang aktor, ngunit hindi sang-ayon dito si Buboy. Aniya, hindi naman siya nahirapan kay Eruption, o kilala rin bilang si Eric Tai.

“Mas nahirapan talaga ako kasi parang first time ko naranasan isang MMA fighter, siguro i-credit ko kay Mark Striegel. Nag-struggle talaga ako sa kaniya e,” sabi ni Buboy.

Ayon pa sa komedyante at aktor ay kakaiba ang mga pinapagawang missions sa kanila, at sinabing dapat abangan ang Nametag-Ripping mission nila sa show.

TINGNAN KUNG BAKIT DAPAT PANOORIN ANG 'RUNNING MAN PHILIPPINES' SEASON 2 NGAYONG WEEKEND SA GALLERY NA ITO:


Samantala, aminado naman si Mikael na “namangha at nagulat” silang runners sa pag-guest ng Running Man Korea OG runner na si HaHa sa kanilang show.

“Kasi bilang OG runner ka, hindi namin akalain na makakapag-guest siya sa amin. And ang daming nag-aabang na mga fans ng Running Man Philippines kasi siyempre, galing rin sila OG Running Man e,” sabi niya.

Ngunit nang subukan sila tanungin ni Shaira tungkol sa mga guest runners, hindi na pinatapos nina Mikael at Buboy ang tanong at sinagot kaagad ito, “Shaira! 'Wag mo na tapusin 'yung tanong; Shaira.”

Pagpapatuloy pa ni Mikael, “Wala na akong ibang maalalang guest, Shaira lang. 'Yun talaga 'yung abangan niyo.”

Bukod kina Mikael at Buboy, mapapanood rin bilang runners sina Glaiza De Castro, Miguel Tanfelix, Lexi Gonzales, Kokoy De Santos, at Angel Guardian.

Mapapanood na nag season 2 ng Running Man Philippines simula May 11 at 12, 7:15 pm sa GMA.