GMA Logo mikael daez
source: mikaeldaez/IG
Celebrity Life

Mikael Daez, may kinumpirma tungkol sa pagiging magulang

By Kristian Eric Javier
Published June 18, 2025 2:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DHSUD includes high-density housing as option in 4PH Program
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

mikael daez


Ine-enjoy daw ngayon ng first-time dad na si Mikael Daez ang pag-aalaga sa anak nila ni Megan Young.

Ibinahagi ni Mikael Daez ang challenges ng pagiging bagong mga magulang nila ng asawa niyang si Megan Young.

Sa isang Instagram reel na pinost ng celebrity dad, nakasulat sa text na 3:00 a.m. na ngunit ayaw pa rin matulog ng kanilang baby. Mapapanood din sa naturang video ang kwelang pagsayaw nila ng misis niyang si Megan.

“Confirming reports na wala talagang tulog kapag may newborn But on another note, we have been enjoying the whole journey,” sulat ni Mikael sa caption.

Dagdag pa niya, na-train at naihanda na sila ng kanilang taping life bilang mga artista para sa ganitong pagkakataon kung saan minsan dalawang oras lang ang tulog, o kaya naman ay wala talaga.

Ngunit kahit challenged sa kanilang new life as parents, sabi ni Mikael, “They're only newborn once, so might as well make the most out of the experience ”

A post shared by Mikael Daez (@mikaeldaez)

BALIKAN ANG PAG-WELCOME NINA MIKAEL AT MEGAN SA KANILANG FIRST BABY SA GALLERY NA ITO:

Isinilang ni Megan ang kanilang first baby noong June 11, kasabay ng pagkuwento niya sa Instagram tungkol sa kanyang childbirth journey. Ipinakita rin niya expectations vs reality ng panganganak sa isang funny video.

Noong Father's day, June 15, ipinahayag naman ng actress-beauty queen ang kaniyang appreciation at pagmamahal sa asawa niyang s Mikael.

“Happy Father's Day to our dada @mikaeldaez, who is so hands-on with taking care of Soba and Chia and now Leon,” sabi ni Megan.

Sulat pa niya sa caption ng kanyang video, “[T]hank you for being the support I need, even when I don't ask for help. Thank you for being the best partner in life, husband, and father to our bbs. [L]ove doing life with you!!”