Suportado ng 'Ismol Family' star ang tambalang Megan at Tom.
By AEDRIANNE ACAR
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Inaabangan na ng mga televiewers ang remake ng hit Mexican telenovela na Marimar. Lalo na ang pagtatambal ng dalawa sa pinakamalalaking bituin sa showbiz industry na sina Miss World titlist Megan Young at Kapuso leading man Tom Rodriguez.
At isa sa pinaka-excited sa team-up nila Megan at Tom ay ang Kapuso hunk at Ismol Family star na si Mikael Daez.
Sinabi nito na sobra siyang natutuwa sa pagtatambal ng dalawa na tinuturing niyang mga mabuting kaibigan.
Dagdag pa ni Mikael, malaki ang tiwala niya na magiging successful ang project nila na Marimar.
“Yes I am very-very happy for her [Megan] and Tom. Alam niyo naman si Tom, kasama ko sa Temptation Island pa lang. So I am so happy for them. Ang laking bagay na ibinigay sa kanila ‘yung project na ‘yun, ang laki ng tiwala na ibinigay ng GMA sa kanila, pero naniniwala ako na mabibigyan nila ng hustisya ‘yung project na 'yun.”