
Matira ang matibay para tanghalin na Ultimate Runner sa season finale ng kinahuhumalingan ng bayan na Running Man Philippines.
Sa final race nila na 'Running Man Super Power Battle' this coming weekend, sinabi ni Mikael Daez sa panayam ng Chika Minute na talagang level-up ang magiging nametag ripping mission nila.
Kuwento ni Kap, “Itong nametag ripping, itong Ultimate Battle, ni-level up talaga ng production. So, ang dami talagang nilang extra pakana at mechanics.”
Alam naman ni “Boss G” Glaiza De Castro na magiging target siya ng ibang Runners sa last race nila na 'The Four Elements Race' matapos makakuha ng mas maraming cards.
Ani Glaiza, “From shock to disbelief to acceptance [laughs]. 20 cards na nga ako, so alam ko magiging target ako ng mga alam mo na, mga tao diyan,” ani ng Kapuso actress.
Who will become the Ultimate Runner of the Running Man Philippines Season 1?
Panoorin ang epic season finale ngayong December 17 at December 18, mga Kapuso!
TOUR AROUND SOUTH KOREA WITH OUR CELEBRITY RUNNERS: