
Pagalingan ng diskarte. Ito ang makikita ng viewers sa upcoming season ng Running Man Philippines na ipapalabas na simula mamayang gabi (May 11) ayon kay Mikael Daez.
Sa idinaos na grand media conference ng reality show last weekend natanong ang Runners ng, "What is the role of luck in any competition?"
Game na sumagot si Mikael at sinabi niya na mas matimbang pa rin ang husay sa diskarte sa mga missions nila sa Running Man Philippines. Paliwanag ng versatile actor, “May mga ibang games na may luck involved, pero sa totoo lang, kailangan mo ng diskarte. Kailangan mo talaga ng diskarte at nakakatuwa dahil nakita ko nag-e-evolve ang diskarte especially ng mga Runners.”
Dagdag pa niya natuwa siya na kahit bago pa lang sa show, nakita raw ni Mikael ang strategy ni Miguel Tanfelix sa kanilang mga challenges.
Dati nang nagkatrabaho sina Mikael at Miguel sa sitcom na Ismol Family.
“From season 2 kita mo na nagbabago 'yung diskarte ng mga tao and tuwang-tuwa ako dito kay Miguel, siyempre, ngayon ko lang siya nakasama sa Running Man, lumabas din 'yung diskarte niya na kakaiba rin. Talagang malinaw, malinaw kung ano 'yung diskarte ng bawat Runner. Kaya natuwa ako.”
Source: GMA Network
The wait is finally over, mga Runners! Mapapanood na sa weekend primetime ang 'K-saya' na season two ng Running Man Philippines.
Tutukan kung sino kina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Miguel Tanfelix, Lexi Gonzales, Buboy Villar, Kokoy De Santos, at Angel Guardian ang itatanghal na Ultimate Runner.
Walang bibitaw sa kulitan ng ating Pinoy Runners tuwing Sabado at Linggo sa oras na 7:15 PM on GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.
Puwede n'yo rin ulitin ang best moments ng Running Man Philippines dahil may delayed telecast din ito sa GTV.
RELATED CONTENT: MEET THE KOREAN STARS JOINING THE MUCH-AWAITED RUNNING MAN PH SEASON 2