
Simula nang mag-umpisa ang Legally Blind, talagang tinututukan na ng viewers ang GMA Afternoon Prime soap. Mas lalo pa ngayon dahil lalo pang gumaganda ang istorya.
Ayon nga kay Mikael Daez na gumaganap bilang si Edward, kahit daw silang cast members ay talagang nahu-hook dahil sa tila nadagdag na genre ng show na thriller at suspense.
"I think 'yon ang nagugustuhan ng mga tao dahil unexpected, dahil usually drama [ang napapanood nila]. Nagugustuhan ng tao 'yung pagiging thriller, 'yung more suspense ng show," paliwanag niya.
Hindi maikakaila ni Mikael na malaking factor sa pagiging successful ng Legally Blind ang karakter nina Janine Gutierrez at Marc Abaya na sina Grace at William. Aniya, "The very scary William is always there at si Grace na puno't dulo ng mga problema."
Kuwento ni Mikael, marami pang kaabang-abang na mangyayari sa Legally Blind lalo na sa kanyang role. "Malala 'yung mangyayari kay Edward. Nakakalungkot. Masakit para sa 'kin," pagtatapos niya.
Patuloy na subaybayan ang Legally Blind, weekdays pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa GMA Afternoon Prime.
MORE ON 'LEGALLY BLIND':
Legally Blind Teaser Ep. 41: Tangka sa buhay ni Edward
Legally Blind: Finding Edward | Episode 41
Legally Blind: Pambubugbog kay Edward | Episode 41