GMA Logo Mikael and Megan
Source: Running Man PH
What's on TV

Mikael Daez, pinaiyak ng isang beauty queen

By Aedrianne Acar
Published October 24, 2022 11:30 AM PHT
Updated October 25, 2022 1:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend: (Part 4) January 17, 2026
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Mikael and Megan


Pinusuan ng mga netizen at viewers ang emotional scene na ito na viral na sa Facebook at TikTok. Tingnan ang mga nangyari bago ang “Mukbang Bingo” race sa 'Running Man Philippines.'

Napasabing “tissue, please” rin ba kayo Runners sa nakakaiiyak na moment bago ang simula ng Mukbang Bingo race sa Running Man Philippines nitong Sabado ng gabi (October 22).

Maraming na-touch sa sweet reunion nina Mikael Daez at misis niya na si Miss World 2013 Megan Young bago tumutulak ang mga celebrity Runners sa race nila sa Mokpo, South Korea.

Pagsakay nila sa bullet train, laking gulat ni Kap (Mikael Daez) nang makita si Megan na nandoon.

Binigyan ng mahigpit na yakap ni Mikael ang misis niya at hindi na rin nito napigilan tumulo ang kaniyang mga luha.

Sa panayam sa Kapuso actor ng 24 Oras, inalala niya ang mga nangyari bago ang kanilang reunion.

Kuwento niya, “I remember the night before the taping day na sinurprise niya ako. We were on the phone, the whole day hindi niya ako nire-replyan. Pero ako naisip ko, 'baka busy siya,' 'tapos eventually nung sumagot siya sabi niya, 'Ay, Fofo I was in the movies with a friend, tapos I was doing something. I was doing this,' hindi ko na inisip.”

“Sabi ko, 'Ah, okay. Sige,' 'Yun pala lumilipad na siya papuntang Korea.”

Umani na ng mahigit one million views sa Facebook at TikTok ang scene na ito na napanood sa reality show last Saturday night.

Maraming netizens ang naantig sa moment na ito sa Running Man Philippines at natutuwa sila na makita kung gaano kamahal ng Kapuso couple ang isa't isa.

Matatandaan na ikinasal ang dalawa noong January 2020 bago tumama ang COVID-19 pandemic sa bansa.

MORE SCENES FROM EPISODE 15:

Buboy Villar, lugi raw sa Pan de Bitin mission!

Ruru, Kokoy, at Lexi, nagpagalingan mag-BLOW!

Kung si Buboy napagbigyan, si Megan din kaya?

SWEET PHOTOS OF THE SHOWBIZ COUPLE MEGAN AND MIKAEL: