
Ramdam sa Kapuso ArtisTambayan event ngayong araw (August 5) na mas lalong naging close sa isa't isa ang multi-talented cast ng Running Man Philippines habang nagsho-shoot sa South Korea.
Nakakuwentuhan ng Kapuso comedian na si Betong Sumaya sina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Ruru Madrid, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, at Angel Guardian sa Kapuso ArtisTambayan, kung saan ibinahagi ang kanilang experience sa shooting for the biggest-reality games show of 2022.
Para kay Lolong star Ruru Madrid, marami raw silang natutunan doing the show na madadala nila sa oras na umuwi sila sa Pilipinas.
Aniya, “Bukod sa nag-e-enjoy na kami sa mga challenges na ginagawa namin, siyempre natuto pa kami, dahil ibang crew, ibang staff 'yung nandito na maa-apply namin pagdating sa Pilipinas.”
Ibinida naman ng Sparkle actress-singer na si Glaiza De Castro na dahil sa Running Man Philippines ay nakapaglibot sila hindi lamang sa capital city na Seoul.
“Hindi lang sa Seoul kami nagshoot, lumabas din kami. Nagpunta kami sa country side 'di ba,” sabi niya. “May mga na-meet din kaming mga Pilipino dito.”
Dapat naman daw abangan ayon kay Mikael Daez ang mga gagawin nilang mission na hindi dapat palagpasin ng mga “OG” fans ng Running Man.
Paliwanag ng actor-host, “Sa totoo lang, alam namin, na-meet kasi namin I think online 'yung Running Man OG fan club sa Pilipinas. At alam namin na inaabangan nila 'yung mga trademark missions ng Running Man.
“At maasahan nila na makikita nila na ginagawa namin lahat 'yun. So lahat ng mga mission, sobrang nag-enjoy kami, ang dami naming ginagawa.”
Panoorin ang buong panayam sa cast members ng Running Man Philippines sa video below:
TAKE A LOOK AT SOME BONDING MOMENTS OF THE CAST RUNNING MAN PHILIPPINES IN SOUTH KOREA: