GMA Logo mikael daez and megan young
Celebrity Life

Mikael Daez tells the story of his and Megan Young's cute nicknames 'Bonez' and 'Fofo'

By Aimee Anoc
Published August 27, 2021 12:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

mikael daez and megan young


Bakit kaya 'Bonez' at 'Fofo' ang naging tawagan ng mag-asawang Mikael Daez at Megan Young?

Marahil ay nagtataka kayo kung bakit tinatawag nina Mikael Daez at Megan Young na 'Bonez' at 'Fofo' ang isa't isa.

Narito ang cute na kuwento sa likod ng tawagan nina Mikael at Megan.

Minsan daw habang sinusubukan ni Megan na mag-pushups, hindi naiwasan ni Mikael na mapansin ang collarbones ng kanyang beauty queen wife.

Mikael Daez and Megan Young

"Sabi ko, you know what? The rest of the night, I'm gonna call you 'Bonez,'" kuwento ni Mikael sa press interview noong August 26.

Dagdag pa ng aktor. "And it did not just last for the rest of the night, I think it's gonna last for the rest of her life!"

Sa kapareho gabi, naikuwento ni Mikael kay Megan ang naging pagtatalo sa pagitan niya at ng kanyang kuya, kung saan nais siya nitong pagsalitaan ng masama.

Pero sa halip na "mofo" ang dapat na sabihin, ang nasabi ng aktor ay "fo-fo."

"Nabulol siya. Nasabi ko 'fo-fo' at tawang-tawa si Megan sa kwentong 'yun. She started calling me Fofo that whole night."

"And little did she know that she was gonna start calling me Fofo for the rest of my life, as well," pagbabalik-tanaw ni Mikael.

Mikael Daez and Megan Young

Mahigit isang taon nang kasal sina Mikael at Megan kasunod ng sampung taong relasyon nila bilang magkasintahan.

Masayang nagsasama ang dalawa ngayon at ibinabahagi nila ang kanilang buhay mag-asawa sa kanilang podcast na Behind Relationship Goals.

"Masaya, sa totoo lang 'yung married life namin majority of it has been during the quarantines and the pandemic.

"Pero ibig sabihin no'n todo quality time lang talaga kami, and we gotten to know each other.

"Sobrang saya kasi no'ng nag-commit kami sa isa't isa, parang nag-commit din kami sa isa't isa in terms of work kasi lahat ng ginagawa namin together na.

"Si Madam Bonez 'yung nag-set up ng ilaw, ako 'yung table dito, mga gamit, so tulangan kami," pagbabahagi ni Mikael.

Samantala, sobrang nagpapasalamat si Mikael sa muling pagpirma ng kontrata sa GMA Artist Center noong August 26. Sa loob ng 11 taon, masaya at proud ang aktor na naging isang Kapuso.

Balikan sa gallery sa ibaba ang kasal nina Mikael Daez at Megan Young: