
Ipinakita ni Mikael Daez kung paano ang nakakatawang sitwasyon kapag may gamer na partner tulad ni Megan Young.
Ayon sa post ni Mikael, gusto niyang maging sweet sa kanyang girlfriend pero busy ito sa paglalaro ng Mobile Legends, ang sikat na online gaming app.
"When gaming is life and your Fofo is not. minsan na nga lang ako maging cheesy and i spontaneously felt a moment to say ilabyu pero fail pala.
"Walang sinabi ang powers ko sa Mobile Legends. On the other hand, I now sympathize with all the jowas in the world who have gamer partners.
Ang tanging payo na lang ni Mikael sa mga katulad niyang naghihintay sa kanilang gamer partner:
"#KapitLangMgaBes #15minLangNamanAngIsangGame #PatayTayoDyanKungMayWinningStreak"