What's Hot

Mike at Maxene, nagkulitan sa iGMA Live Chat

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated August 17, 2020 4:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zaldy Co was building 5-storey basement in Forbes Park to store cash — DILG
Bus trips in Laoag fully booked until January 1, 2026
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News



Nakipagkulitan online ang Mars Ravelo’s Trudis Liit loveteam na sina Mike Tan at Maxene Magalona sa iGMA Live Chat. Kasama pa nila si Elmo Magalona
Nakipagkulitan online ang Mars Ravelo’s Trudis Liit loveteam na sina Mike Tan at Maxene Magalona noong July 28, with their special guest Elmo Magalona. Ano naman kaya ang masasabi nila after the Live Chat? Text by Ayessa De La Pena stars Unang beses sa iGMA Live Chat nina Mike Tan at Maxene Magalona to promote their loveteam, pati na rin ang kanilang show na Mars Ravelo’s Trudis Liit. Kahit na biglaang hindi makakapunta ang kanilang cute na cute na co-star, child wonder Jillian Ward ay naging masayang event pa rin ang Live Chat na ito. Dagdag pa rito ang surprise guest nilang si Elmo Magalona na sumama kay Max upang suportahan ang Trudis Liit. Unang beses ni Mike na makipag-chat sa kanyang mga fans dito sa iGMA at tuwang-tuwa nga ang binata. Dahil nga medyo matagal ring nawala ang actor sa showbiz ay maraming nagtanong sa kanya kung ano ang nagbago sa kanya at kung bakit sya nawala. As a matter of fact, sa ganitong tanong nga naging mahaba ang sagot ng binata. “Ang pinakamahaba kong sinagot [iyong] matagal kang nawala sa show business. Pag balik mo ibang-iba ka na. Hindi na ikaw si Mike Tan noon, ano’ng ginawa mo…Ang sinabi ko lang naman, siguro tumanda ako, nag-mature. Maraming workshops na pinagdaanan, failures, disappointments, trials sa buhay,” seryosong sagot ni Mike. Dagdag pa nya hindi lahat ng ginawa nya ay mga workshops lang, “Hindi ko masabing lahat workshops eh…Yung mga kasabayan mo [may projects]…Eto ka, tas nakikita mo [ang mga kasabayan mo]…Hindi ko sinasabing wala akong nararamdaman, syempre malungkot ka, pero wala ka namang ibang sisisihin kung hindi sarili mo.” stars Para naman sa third time iGMA chatter na si Maxene, masaya syang nakasama nya dito si Mike. Bukod pa rito ay ang sorpresang guesting ng kanyang nakababatang kapatid na si Elmo. Kung si Max naman ang tatanungin, ang pinakagusto nyang tanong mula sa mga chatters ay kung alin raw sa kanyang mga achievements sya pinaka-proud, “Sinabi ko, it’s the fact na naka-graduate ako at the same time, working. Pinaka-proud ako do’n na naka-graduate akong college pero pinagsabay ko rin yung pagtatrabaho ko.” Bukod sa mga tanong tungkol sa kanya-kanyang love life ay tinanong ang dalawa kung posible nga bang maging sila. Ang sagot ni Max dito, “As much as possible, I don’t want to get in a relationship with my loveteam partner…Masaya na ako na we have a good working relationship…Hindi naman ibig sabihin na porke’t loveteam, kailangan totohanan na para mag-work.” Para naman sa kanyang ka-partner ay hindi raw mahirap ma-inlove kay Maxene, “Wala ka ng ibang hahanapin pa sa isang babae kapag nakasama mo si Max. Mahirap pigilang ma-fall kay Max.” stars Nabitin ba kayo? Abangan ang full transcripts at video ng Live Chat na ito sa iGMA.tv. Pag-usapan sina Mike at Maxene sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get more updates from these stars! Just type MIKE/MAXENE (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper, just type GOMMS (space) MIKE/MAXENE (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.