
Isa sa mga kilalang action stars at kontrabida noong dekada '80 at '90 si Mike Castillo.
Nagsimula siya bilang bahagi ng second batch ng sikat na variety show na That's Entertainment, kung saan hinangaan siya ng fans dahil sa kanyang astig na porma at charming appeal on screen.
Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, nagkaroon si Mike ng magulong buhay bago pa siya maging artista.
Sa panayam niya kay Morly Alinio, inamin ng aktor na siya ang "black sheep" sa kanilang pamilya.
"Apat kaming magkakapatid. 'Yung tatlong kapatid ko matitino. Ako lang ang sakit ng ulo. Ako puro kick out, puro suntukan sa school, puro away," inamin niya. "Meron pa ako pinalo ng tubo sa ulo, kaklase ko. Meron pa ako muntik masaksak. Take note, highschool days pa lang iyan."
Ayon kay Mike, na-impluwensya siya ng kanyang kapaligiran sa Tondo, pati na rin ng kanyang mga barkada.
Ang kanyang ina na si Loreta, tila hindi niya na alam kung ano pa ang magagawa niya kay Mike noon. Aniya, "Kahit itali mo, tatakas din iyan."
"Ang ginawa ko, prayer na sana magbago na siya. Nagkatotoo naman, nagbago noong pumasok siya sa showbiz," dagdag ni Loreta.
Nang nabawasan ang pagiging mainitin ang ulo ni Mike, pambabae naman ang naging focus nito.
Isa sa mga naging kasintahan niya noon ay ang Pinay aktres na si Camille Roxas. Ngunit tulad ng iba niyang naging relasyon, hindi rin ito nagtagal.
Ngayon, mas pinili na lang ni Mike na alagaan ang kanyang ina. "My mom is my barkada, she is my best friend, kaaway din, lahat na package in general," masayang paliwanag ng aktor.
Bukas naman daw siya sa posibilidad ng pagbuo ng sariling pamilya balang araw. Ngunit, "Ang nanay ko, hindi na iyan bata. So kailangan ko bigyan ng priority kasi by the time na wala na siya, pwede ako mag-girlfriend by that time."
"Kasi kung binigay ko 'yung time ko sa girlfriend and my mom has only 15 to 20 years to live, hindi ko siya makakasama at tsaka magsisisi ako... ayoko may regrets kapag wala siya. so I'm making the best of my time, of her time magkasama kami," aniya.
Panoorin ang kanyang panayam dito: