
Dalawang karakter ang namaalam na sa murder mystery drama na Widows' War.
Sila ang mag pinsan na sina Paco Palacios (Rafael Rosell) at Basil Palacios (Benjamin Alves).
Bago bawian ng buhay ni Basil, naganap ang kaniyang engrandeng birthday party sa Palacios Estate.
Present sa kaniyang party ang kaniyang asawa na si George (Carla Abellana), ama na si Galvan (Tonton Gutierrez), iba pang mga kaanak at ilang kaibigan.
Spotted din sa event ang isang bisita, ang karakter ni Mike Tan na tila hindi kilala ng mga tao sa mansyon.
Palaisipan na sa mga manonood kung sino siya at ano ang role niya sa buhay ni Basil.
Sa Chika Minute report na ipinalabas sa 24 Oras kamakailan lang, nagbigay ng pahayag ang Kapuso actor na si Benjamin tungkol sa karakter ni Mike.
Ayon sa kanya, “When I found out that Mike Tan is in the cast, I gave him a call personally and we both had a good laugh about it. 'Yun na lang sasabihin ko.”
Kasunod nito, inalala ni Benjamin na naging magkatrabaho sila noon ni Mike sa isa ring GMA series.
Sabi niya, “Magkaaway kami sa Artikulo 247 and he was my roommate there so yeah, we had a good laugh.”
Samantala, ang serye ay pinagbibidahan ng bigating Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.
Abangan ang susunod pang mga tagpo sa Widows' War, mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.
Related Gallery: Silipin ang set ng Widows' War