
Si Kapuso actor Mike Tan ang bibida sa brand-new episode at Father's Day special ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Image Source: mpkgma (Instagram)
Bibigyang-buhay niya ang kuwento ng isang tatay na content creator sa episode na pinamagatang "My Father Vlogger: The Dondon Havana Story."
Gaganap si Mike bilang Dondon, tatay ng isang batang may imperforate anus, isang birth defect kung saan hindi nabuo ng maayos ang butas ng puwet kaya hindi ito makakapaglabas ng dumi.
Dahil sa matinding pangangailangan sa kalusugan ng anak, susubukan ni Dondon na pumasok sa mundo ng content creation.
Maibibigay kaya ni Dondon ang pangangailanan ng anak at ng buong pamilya?
Abangan ang brand-new episode at Father's Day special na "My Father Vlogger: The Dondon Havana Story," June 20, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.