
Magkakasunod na intense scenes ang napanood at patuloy na nasasaksihan sa GMA series na House of Lies.
Sa social media, ipinasilip ng Sparkle actor na si Mike Tan ang isa sa mga eksenang ito, kung saan tampok ang kanyang role na si Paolo kasama si Marj na karakter ni Beauty Gonzalez.
Ang in-upload ni Mike ay ang behind-the-scenes at actual scene sa pagtatalo nina Paolo at Marj tungkol sa kalagayan ng kanilang anak na si Jasmine (Kayla Davies).
Ramdam dito ang mainit na sagutan ng kanilang mga karakter na umani ng papuri mula sa fans at viewers ng serye.
Ayon pa sa mga nakapanood nito, natural na natural ang eksena dahil sa husay sa pag-arte ni Mike at pati na rin ng co-star niya na si Beauty.
Source: Mike Tan (Facebook)
Kasalukuyang napapanood sa serye ang pagtatalo nina Marj (Beauty Gonzalez) at Paolo (Mike Tan) dahil wala na umanong oras si Paolo para sa kanyang pamilya habang ang una naman ay tila mag-isang nag-aasikaso at nag-aalaga sa kanilang anak.
Unti-unti na ring nagdududa si Marj (Beauty Gonzalez) sa mga ikinikilos ng kanyang asawa na si Paolo (Mike Tan) na sikretong karelasyon ni Thea (Kris Bernal), ang asawa ni Edward (Martin del Rosario).
Samantala, sa likod ng intense na mga eksena na napapanood sa TV at online ay mayroong makulit na bonding moments ang cast sa set ng serye.
Patuloy na tumutok sa intense drama series na House of Lies.
Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
*Related gallery: At the story conference of House of Lies