
Mas komportable si Mike Tan sa kanyang on-screen partner na si Yasmien Kurdi para sa upcoming GMA drama na Hindi Ko Kayang Iwan Ka dahil sa closeness ng dalawa.
Aniya, "So far, ito rin 'yung isa sa pinakamagaan kong naging trabaho because of Yasmien. Minsan kasi before the take nagkukwentuhan pa kami, naglolokohan pa kami."
Tungkol sa sakit na HIV ang dramang ito, kaya naman goal ng show na maging informative kahit sensitibo ang topic.
Ika ni Yasmien, "May mga sensitives scenes we try na gawin din siyang na tumutugma rin sa TV."
Panoorin ang buong report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News