
Kabilang sa inaabangan ng mga Kapuso at iba pang viewers ng ay ang dad-and-daughter relationships ng ilang karakter sa intense drama na House of Lies.
Related gallery: On the set of House of Lies
Nag-timeout muna sa mabigat na eksena ang Torrecampo brothers na sina Mike Tan at Martin del Rosario na napapanood sa serye bilang sina Paolo at Edward.
Sa isang TikTok video, makikitang game na game silang nakipagkulitan sa kanilang mga anak sa House of Lies na sina Kayla Davies at Angel Cadao na kilala rito bilang sina Jasmine at Ashley.
Mapapanood sa clip na nag mala-protective dads sina Mike at Martin sa kanilang co-stars na sina Kayla at Angel na mga anak nila sa istorya ng drama series.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 170,000 views ang kanilang kulitan together habang nasa set ng seryeng kinabibilangan nila.
@aymiketan Try this if you have daughters! #GirlDad #daughter #fyp #foryou #trending @Kayla Davies 🪽 @Angel Cadao @martinmigueldelrosario ♬ original sound - Mike Tan
Courtesy: Mike Tan (TikTok)
Samantala, parami nang parami ang sumusubaybay sa GMA intense drama series na House of Lies.
Umabot na sa mahigit 100 million ang kabuuang views ng videos ng serye sa apat na social media platforms: Facebook, X, Instagram, at TikTok.
Bukod kina Mike Tan at Martin del Rosario, napapanood din bilang lead stars dito sina Beauty Gonzalez at Kris Bernal.
Mapapanood ang House of Lies tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.