GMA Logo Mike Tan, Martin Del Rosario
Courtesy: Mike Tan (TikTok)
What's on TV

Mike Tan, Martin Del Rosario show brotherly bond in cute TikTok video on 'House of Lies' set

By EJ Chua
Published April 28, 2026 5:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sangkaterbang sibuyas na 'di maibenta at nasira, itinapon na lang
APO, GIVE-UP na mag-aral para alagaan si LOLA | Barangay Love Stories
BINI meets Laufey at Billboard Women In Music 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Mike Tan, Martin Del Rosario


May kompetisyon man on cam sa 'House of Lies', hindi pa rin maitatago ang kulitan nina Paolo (Mike Tan) at Edward (Martin Del Rosario) behind the scenes.

Sa likod ng intense na mga eksena sa set ng House of Lies, may makulit na moments ang cast ng serye sa set nito gaya nina Mike Tan at Martin Del Rosario.

Mapapanood sa isang TikTok video ang bonding nina Mike at Martin para sa content na tinawag nilang "Poses for duos".

Dito ay makulit nilang sinubukan at ginawa ang ilang pose na tila unexpected para sa viewers at kanilang fans.

May naganap pang buhatan at iba't iba pang gestures sa video na kinagiliwan ng mga nakapanood na nito.

@aymiketan Bromance-ing... 😂 #FYP #foryou #foryoupage #trending #HouseOfLies @martinmigueldelrosario ♬ original sound - Mike Tan


Related gallery: On the set of 'House of Lies'


Sina Mike at Martin ay napapanood sa serye bilang magkapatid na sina Paolo at Edward Torrecampo. Ang asawa ni Paolo ay si Marj (Beauty Gonzalez) at si Thea (Kris Bernal) naman ang asawa ni Edward.

Patuloy na tumutok sa intense drama na House of Lies, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream, at mapapanood din ito sa GMA Play.