
May twist ang entry ni Kapuso actor Mike Tan sa "Ale" trend.
Typical ang simula ng video ni Mike kung saan makikitang ginagawa niya ang hand gestures base sa lyrics ng kanta.
Darating ang sorpresa sa sa bahagi ng kanta kung saan dapat may lalabas na magandang babae.
Imbis kasi na may pumasok na babae, makikita dito si Mike na nagbihis pambabae, naka-makeup at may suot pang mahabang wig.
Ang transformation na ito ay para sa upcoming episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman kung saan gaganap si Mike bilang gay basketball player.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang brand-new episode na "Most Beautiful Player," January 31, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, ang "Ale" ay orihinal na kanta ni Richard Reynoso mula sa kanyang 1989 album na Puwede Ba.
Nag-record ng cover version nito ang bandang The Bloomfields para sa kanilang self-titled debut album na inilabas noong 2007.
Nag-viral ang awit sa TikTok bilang background music para sa travel reels at iba pang candid moments.
Bukod kay Mike, sumakay din sa trend ang kapwa Kapuso stars niyang sina Jillian Ward, Ruru Madrid, Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Shuvee Etrata, at Anthony Constantino.