
Ibinahagi ng Kapuso actor at celebrity father na si Mike Tan na nakaka-relate siya sa kanyang karakter sa unang istorya ng Wagas na 'Throwback Pag-ibig.'
'Wagas,' magbabalik at mapapanood na sa GMA-7
Gagampanan ni Mike ang role ni Ryan, na isa ring ama. "Nakaka-relate ako kasi tatay na rin ako e," saad niya.
Ibinahagi rin ni Mike na may mangyayari sa kanyang karakter sa istorya na tiyak daw na hindi niya kakayanin sa totoong buhay.
"Mabigat 'yung mangyayari. Ako naririnig ko pa lang kanina [sa story conference ng Wagas], parang sobrang bigat na," ani Mike.
IN PHOTOS: At 'Wagas: Throwback Pag-ibig' story conference
"Hindi ko alam if ano'ng mararamdaman ko kung sa akin mangyayari 'yon."
Ano ba ang mangyayari sa buhay ni Ryan?
Alamin sa unang istorya ng Wagas na 'Throwback Pag-ibig' ngayong Agosto sa GMA.