
Tila mas dumadami pa ang nakakapansin sa oppa looks ni Mike Tan.
Pinag-usapan sa TikTok ang isa sa videos ni Mike, kung saan tampok ang kanyang CEO looks na may pagka-Koreano na ayon sa netizens at viewers ay para siyang isang tunay na oppa.
Related Gallery: Pinoy celebs and their Korean star look-alikes
Mapapanood sa video ang Kapuso actor na nagkakape at suot ang isa sa mga outfit ni Paolo Torrecampo, ang kanyang karakter sa pinagbibidahan niyang intense drama na House Of Lies.
Ayon sa mga nakapanood sa video, bagay na bagay kay Mike ang kanyang role sa serye kaya naman marami sa kanila ang nakaabang sa mga eksena niya rito.
Narito ang ilang reaksyon ng netizens at fans sa CEO looks ng aktor:
Matatandaang isang video niya rin ang unang nag-viral dahil napakalaki umano ng pagkakahawig niya sa well-known Korean actor na si Park Hae Jin.
Bukod kay Mike, napapanood din bilang lead stars sa House of Lies sina Beauty Gonzalez, Martin del Rosario, at Kris Bernal.
Kilala rito si Mike bilang si Paolo, ang isa sa miyembro ng pamilya Torrecampo na asawa ni Marj (Beauty Gonzalez) at ama ni Jasmine (Kayla Davies).
Siya rin ang lalaki na patagong karelasyon ni Thea, ang role ni Kris Bernal.
Patuloy na subaybayan si Mike Tan sa House of Lies, mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.