
Bukod kay Hidilyn at mga atletang Pinoy na kalahok sa Olympics, may isa pang Filipina na tumutungtong sa entablado ng Rio 2016, hindi upang tumanggap ng medalya, kundi para mag-gawad nito sa mga nanalong atleta.
Kasalukuyang ginaganap ang 2016 Summer Olympics sa Rio de Janeiro kung saan may 11,000 atleta ang kalahok mula sa 206 na bansa.
Kamakailan ay naiulat pa nga na nakasungkit na ang Pilipinas ng una nitong medalya pagkatapos ng 20 taon, isang silver mula kay Hidilyn Diaz sa ilalim ng weightlifting category.
Pero bukod kay Hidilyn at mga atletang Pinoy na kalahok sa Olympics, may isa pang Filipina na tumutungtong sa entablado ng Rio 2016, hindi upang tumanggap ng medalya, kundi para mag-gawad nito sa mga nanalong atleta. Walang iba kundi ang Filipino equestrienne, local television host, at actress na si Mikee Cojuangco-Jaworski.
Sa post ng talent manager na si Girlie Rodis, ibinahagi nito ang larawan ni Mikee na kuha sa Rio de Janeiro. Aniya: "If you think the lady awarding some of the Olympic medals look familiar. It is truly #MikeeCojuangcoJaworski she is a member of the #InternationalOlympicBoard."
Kabilang sa mga nagawaran ng award ni Mikee ay ang winners ng Women's 400m Individual Medley.
'Yan ang Pinoy!