What's on TV

Mikee Quintos at Allen Ansay, bibida sa 'Regal Studio Presents: Hating Kapatid'

By Marah Ruiz
Published March 1, 2024 5:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano logs 'minor' fountain activity as eruption enters 89th day
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Regal Studio Presents


Gaganap sina Mikee Quintos at Allen Ansay bilang magkapatid na hindi magkasundo sa 'Regal Studio Presents: Hating Kapatid.'

Ang Sparkle stars na sina Mikee Quintos at Allen Ansay ang bibida sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.

Gaganap sila bilang magkapatid na hindi magkasundo sa episode na pinamagatang "Hating Kapatid."

Si Mikee ay si Abigail habang si Allen naman ay si Jun. Nang sumakabilang-buhay ang kanilang tatay, malalaman nilang ipinamana sa kanila nito ang kaniyang furniture shop.

But wait, there's a catch! Para mapasakanila ang shop, kailangan muna nilang kumita ng kakahating milyong piso.

Mawawalan kaagad ng pag-asa si Jun at nais niyang ibenta ang shop. Tutol naman dito si Abigal dahil ito na lang ang natatanging alaala ng kanilang tatay.

Magkasundo kaya ang magkapatid? Ano ang mangyayari sa pamanang furniture shop ng kanilang ama?

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:

Abangan ang brand new episode na "Hating Kapatid," March 3, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.