GMA Logo Tadhana, Unwanted Child
What's on TV

Mikee Quintos at Jon Lucas, tampok sa 'Tadhana: Unwanted Child'

By Bianca Geli
Published August 8, 2025 4:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana, Unwanted Child


Ano ang kayang tiisin ni Patricia (Mikee Quintos) para sa kanyang anak?

Sa Sabado, tampok sa Tadhana: Unwanted Child ang masakit na kuwento ni Patricia (Mikee Quintos), isang dalagang ina na napilitang lumapit muli sa kanyang sariling ina matapos maaksidente ang kanyang anak at maging kritikal ang kalagayan nito. Umaasa siya na makakakuha ng tulong pinansyal para sa pagpapagamot, ngunit imbes na suporta, masasakit na salita lamang ang kanyang natanggap.

Habang lumulubha ang sitwasyon, muling nagbabalik si Ybrahim (Jon Lucas), ang tunay na ama ng kanyang anak mula sa ibang bansa, dala ang hangaring makipag-ayos.

Ngunit mapatawad nga ba ni Patricia ang lalaking minsang nang-iwan sa kanya? At higit sa lahat, maililigtas pa kaya nila ang kanilang anak?

Huwag palampasin ang Tadhana: Unwanted Child ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7 at sa livestream ng GMA Public Affairs sa Facebook at YouTube.