
Balik-tambalan ang Kapuso stars na sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Bibigyang-buhay nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda ang love story ng isang person with disability o PWD at ng isang person deprived of liberty o preso.
Si Mikee ay si Jenefer, babaeng may kapansanan na galing sa isang abusive relationship. Dahil dito, may pagka-bitter siya pagdating sa pag-ibig.
Si Kelvin naman ay si Johncel, lalaking ilang taon nang nakakulong dahil sa isang kasong may kinalaman sa droga at tila nawalan na ng ganang mabuhay.
Panno kung ang dalawang taong ito ay magkakilala at ma-in love?
Tunghayan sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda sa "To Love Again: The Johncel C. Magundag and Jenefer Francisco Love Story," October 8, 8:15 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: