What's on TV

Mikee Quintos at Kelvin Miranda, nag-react sa mga pagkukumpara ng 'The Lost Recipe' sa K-Drama

By Maine Aquino
Published January 15, 2021 10:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

The Lost Recipe stars Kelvin Miranda and Mikee Quintos


Ayon sa netizens, maitutulad sa mga K-Drama ang quality ng full trailer ng 'The Lost Recipe.'

Nagbahagi sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda ng kanilang opinyon sa mga manonood na nagkukumpara sa kanilang fantasy-romance series na The Lost Recipe sa mga K-Drama.

Sina Mikee at Kelvin ang mga bida ng bagong handog ng GMA Public Affairs na The Lost Recipe. Sila ang gaganap bilang Chef Harvey Napoleon (Kelvin) at Chef Apple Valencia (Mikee) sa programa.

Nitong January 13 ay umere na ang full trailer ng The Lost Recipe. Tumanggap ito ng mga papuri sa social media mula sa mga netizen at iba't ibang mga personalidad dahil sa quality at kapanapanabik nitong istorya.

Isa pa sa mga naging opinyon ng mga nakapanood ay ang pagkakatulad umano nito sa quality ng mga Korean drama o K-Drama.

Photo source: The Lost Recipe


Sa interview ng GMANetwork.com kina Mikee at Kelvin, nagbahagi sila ng opinyon sa nagsasabing parang K-Drama ang dating ng The Lost Recipe.

Saad ng lead actress na si Mikee, hindi nila gagayahin ang K-Drama. Gagawin nila itong inspirasyon para makapagpalabas ng programang mahahanay sa quality ng mga ito.

“Hindi naman siguro super ita-try na gayahin. It's just an inspiration; the show is inspired by their style and hindi namin ginu-goal na talunin. I honestly want to see, I mean GMA is very capable of producing these kinds of show rin naman.”

Si Kelvin naman ay nagsabing hindi maiiwasan ang pagkukumpara ng mga tao.

“Para sa akin, sa mga magko-compare ng ganon, nasa kanila 'yun e. 'Yun ang perspective nila.”

Saad pa ng aktor, nagpapasalamat siya sa ano mang magiging opinyon ng mga tao sa nalalapit na pagsisimula ng The Lost Recipe.

“Para sa akin kung paano nila i-appreciate 'yung ginagawa namin, nagpapasalamat na ako doon.”

Pag-amin pa ng aktor, umaasa siyang maganda ang maging pagtanggap ng mga manonood sa The Lost Recipe.

“Mas i-attract natin 'yung mas magandang mga mangyayari.”

Mapapanood na simula ngayong January 18 sina Kelvin at Mikee sa The Lost Recipe, 8:00 p.m. sa GMA News TV.

Kilalanin naman natin ang iba't ibang mga artistang makakasama nina Kelvin at Mikee sa bagong timpla ng Philippine drama sa gallery na ito: