GMA Logo Mikee Quintos and Klea Pineda in Tadhana The Sisters
Photo Source: mikee and kleapineda (IG)
What's on TV

Mikee Quintos at Klea Pineda, maghaharap sa 'Tadhana: The Sisters Finale'

By Bianca Geli
Published July 29, 2023 11:09 AM PHT
Updated August 1, 2023 7:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Sibol Women dethrone Indonesia to reach Mobile Legends finals
Tight security at ports, terminals in W. Visayas for the holidays
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos and Klea Pineda in Tadhana The Sisters


Stepsister, gagawin ang lahat upang maagaw ang kasintahan ng kanyang kapatid?

Sa third at final episode ng Tadhana: The Sisters, bukod sa atensyon ng kanilang ama, hangad din ni Krista (Klea Pineda) ang pagmamahal mula kay Tupe (Kimson Tan) -- ang kasintahan ng kanyang stepsister na si Madel (Mikee Quintos). Kaya naman isang kasinungalingan ang gagawin ni Krista upang masira ang relasyon ng dalawa.

Makaligtas kaya si Madel mula sa masamang plano ni Krista? May pag-asa pa nga bang maayos ang relasyon nilang magkapatid?

Abangan sina Mikee Quintos, Klea Pineda, Kimson Tan, Andrea Del Rosario, Joshua Zamora, Via Veloso, Momshie Odille, Mj Ordillano at Jayjay Jonson.

Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Tadhana: The Sisters Finale ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.