GMA Logo Mikee Quintos in Wish Ko Lang
What's Hot

Mikee Quintos, bibida sa 'Teacher, Pinagtulungan' episode ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published December 7, 2022 11:49 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - House representatives file resolution to investigate death of former DPWH Usec. Cabral (Dec. 22) | GMA Integrated News
Drunk man drowns at Digos beach
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos in Wish Ko Lang


Abangan ang natatanging pagganap ni Mikee Quintos bilang isang guro sa 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado.

Tampok sa "Teacher, Pinagtulungan!" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado ang kuwento ni Teacher Thess na pinagtulungan ng mga kapwa niya guro para mapaalis sa eskwelahang pinagtatrabahuhan niya. Bibigyang-buhay ni Kapuso actress Mikee Quintos ang kuwento ni Teacher Thess.

Sa kabila ng kanyang kabutihan bilang isang guro, may mga kapwa guro si Teacher Thess na tila napupuno ng inggit sa kanya. Dumating na rin sa punto na sinisira ng mga ito ang kanyang lesson plan at gumagawa ng kuwento para mapatalsik siya sa eskwelahan.

Makakasama ni Mikee sa episode na ito sina Maybelyn dela Cruz, Allan Pule, David Remo, Lee Loyola, Tart Carlos, Stephanie Sol, at Gigi Locsin.

Huwag palampasin ang panibagong handog ng Wish Ko Lang na tiyak na kapupulutan ng aral at inspirasyon ngayong Sabado, December 10, alas-4 ng hapon sa GMA.

Ang "Teacher, Pinagtulungan!" ay idinirehe ng award-winning writer and director na si Direk Jason Paul Laxamana.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

MAS KILALANIN SI MIKEE QUINTOS SA GALLERY NA ITO: