
Isang dekada na sa showbiz industry ang Sparkle actress na si Mikee Quintos, at ipinagdiwang niya ito kasama ang fans.
Sa Instagram, ipinakita ni Mikee ang masayang selebrasyon kung saan makikita na sumasayaw ang fans at nagbigay rin ng autograph ang aktres.
"Celebrating a whole decade with @mqsweeties," sulat niya.
Ang Encantadia 2016 ang debut project ni Mikee kung saan minahal siya ng manonood bilang Lira, ang anak ni Sang'gre Amihan.
Ngayong 2026, muli siyang napanood bilang Lira sa katatapos lamang na superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Related content: Mikee Quintos drops behind-the-scenes photos from Sang'gre set