GMA Logo mikee quintos in sanggre
Photo by: Encantadia Chronicles: Sang’gre, Niko Gonzales
What's on TV

Mikee Quintos, excited sa mga dapat abangan sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'

By Kristine Kang
Published August 8, 2025 6:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog Festival 2026: The GMA Regional TV Special Coverage
Barangay chairman, nephew killed in Cotabato shooting
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

mikee quintos in sanggre


Labis din nagpapasalamat si Mikee Quintos sa patuloy na suporta ng fans!

Marami pa ring viewers ang nagagalak sa muling pagkikita ng ilang karakter sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Sa mga nakaraang episode, nasilayan na ang Devas at ang hindi matahimik na mga Ivtre na sina Amihan (Kylie Padilla), Ybrahim (Ruru Madrid), Cassandra (Michelle Dee), Aquil (Rocco Nacino), at Gaiea (Cassy Lavarias).

Bumalik din ang makukulit na karakter na sina Lira at Mira, na ginampanan nina Mikee Quintos at Kate Valdez.

Sa isang exclusive interview kasama ang GMANetwork.com, hindi maitago ni Mikee ang kanyang excitement sa mga susunod na kaganapan.

"'Wag muna baka may masabi ako na hindi pwede sabihin," sabi niya habang natatawa. "Basta abangan n'yo kung ano ang mangyayari sa Devas."

Nagpasalamat din si Mikee sa patuloy na suporta ng kanilang viewers at fans.

"Grabe ang Encantadiks naman talaga kasama ko na 'yan buong career ko basically. Kasi unang, unang, unang, unang (major) project ko talaga ang Encantadia so thank you Encantadiks sa walang sawa ninyong suporta," aniya.

"Kaya makikita n'yo, dami pa tayo pasabog. Wait lang kayo diyan. Wait. "

Huwag palampasin ang susunod na mga tagpo sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.

Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Samantala, mapapanood din si Mikee sa upcoming special na Ganito Tayo, Kapuso, isang pelikulang tampok ang pitong short films na sumasalamin sa core values na maka-Diyos, masayahin, maabilidad, makabayan, mapagmalasakit, mapagmahal sa pamilya, at malikhain.

Mapapanood ito sa mga piling sinehan, telebisyon, at online, simula August 17.

KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: