What's on TV

Mikee Quintos, gaganap bilang aspiring teacher na na-comatose sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published December 14, 2023 9:51 AM PHT
Updated December 14, 2023 10:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
LIVE UPDATES: Conflict in the Middle East (April 17, 2026)
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos para sa MPK


Bibigyang-buhay ni Mikee Quintos ang kuwento ng isang babaeng malapit na sanang maging guro pero na-comatose sa bagong episode ng '#MPK.'

Isang challenging role ang gagampanan ni Kapuso actress Mikee Quintos sa brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Bibigyang-buhay kasi niya dito ang kuwento ni Vicky, isang aspiring teacher na mako-comatose.

Malapit nang maging ganap na guro si Vicky nang masangkot siya sa isang vehicular accident.

Dahil sa lubha ng tinamo niyang pinsala, magiging comatose si Vicky.

Wala naman magawa ang kanyang pamilya kundi magdasal at hintaying magising siya.

Tuluyan na bang masisira ang kanyang kinabukasan dahil sa malagim na aksidenteng ito?

Bukod kay Mikee Quintos, bahagi rin ng episode sina Carmi Martin, Lito Pimentel at Vaness del Moral na gaganap bilang pamilya ni Vicky.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:

Abangan ang brand new episode na "Bingit ng Buhay," December 16, 8:00 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.