
Isang inspiring na kuwento tungkol sa kapalaran ang matutunghayan sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
May tao ba talagang may kakambal na malas?
Iyan ang kuwentong bibigyang-buhay ni Kapuso actress Mikee Quintos sa episode na pinamagatang "Unlucky Girl: The Mariel Larsen Story."
Gaganap si Mikee bilang Mariel na mas kilala sa palayaw niyang Lala, babaeng ipinanganak sa malas na petsa na Friday the 13th.
Dahil kakaiba ang petsa ng kanyang birthday, tila laging may nakabuntot na malas sa kanya.
Tuwing isasasama siya ng kanyang tatay as pangingisda, wala silang naiuuwing huli. Nagsara din ang mga kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Lala.
Pero parang dadapuan siya ng suwerte nang magustuhan siya ng Australian na si David. Willing itong pumunta at manirahan sa Pilipinas para lang makasama siya.
May pag-asa pa bang mawala ang kamalasan ni Lala?
Abangan ang kakaibang kuwentong 'yan sa brand new episode na "Unlucky Girl: The Mariel Larsen Story," May 20, 8:00 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/magpakailanman/17516/babae-may-kakambal-na-malas-sa-mpk/photo